Monday, October 22, 2012

who am i?-- (#11)



Sirena
By: Gloc-9

[Ebe Dancel] 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
 

[Gloc 9] 
Simula pa no'ng bata pa ako,
 
Halata mona kapag naglalaro
 
Kaya parang lahat ay nalilito,
 
Magaling sa chinese garter at piko
 
Mga labi ko'y pulang pula,
 
Sa bubble gum na sinapa
 
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
 
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
 
Habang kumekembot ang bewang,
 
Mga hikaw na gumegewang
 
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
 
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
 
Na galing sa aking ama
 
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
 
Laging nalalatayan,
 
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
 
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
 
Ang puso kong mapagmahal
 
Parang pilikmatang kulot.
 

[Ebe Dancel] 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
 
[ Lyrics from: http://www.lyricsfreak.com/g/gloc+9/sirena_21037173.html ] 
[Gloc 9]
 
Hanggang sa naging binata na ako
 
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
 
Pero baki't parang lahat ay nalilito pa rin
 
Ano bang mga problema nyo
 
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
 
Sa dapat makita ng inyong mata
 
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
 
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
 
Kahit binaliw nasa tapang, kasi ganun na lamang
 
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
 
Tama nanaman itay, di na po ako pasaway
 
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
 
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
 
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
 
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
 
At inaabot ang ganda ko pangilalim ng dagat
 

[Ebe Dancel]
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
 

[Gloc 9]
 
Lumipas ang mga taon nangag sipag-asawa
 
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
 
Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
 
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
 
Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
 
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
 
Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan
 
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
 
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
 
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
 
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, Lumapit
 
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
 
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
 
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
 
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
 
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
 

[Ebe Dancel]
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga,
 
Sa'kin kayo ay bibilib
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila
 
Bandera ko'y di tutumba...


Diskriminasyon, ang numero unong problema na nararanasan ngayon nang sinasabi nating nasa “third sex”. Baklita, bakla, bading, shuki, bayot, sirena, “malas”, yan ang bansag nila sa mga lalaking may mga pusong babae. Sabi nila, masama daw baguhin kung ano ang binigay sa atin ng Diyos. Pero ano nga ba ang mas masama sa mga taong nanghuhusga ng kapwa?
Sabi nila, nagpapakatotoo lamang sila. Walang masama sa pagpapakatotoo. Mas maigi ng ipakita sa lahat kung sino ka talaga. Pag-pinaktakpan mo ang yung tunay na pagkatao mo ay para ka na ring nagsinungaling hindi lang sa ibang tao ,pati na rin sa yung sarili.

Bakit nga ba natin hinuhusgahan ang mga bakla? Sabi ng iba, sila raw ay malas. Sila raw ay walang kwenta at nagdadala ng sakit. Pero ang tanong ko lang, sino kaya ang mas nagdadala ng sakit? Ang bakla? O ang taong nanghuhusga?

Marami nang napatunayan ang mga sinasabi nating nasa “third sex”. Sila yata ang mas may kaya ngayon. Halos sila ang umaasenso sa industriya. Sila ang nasa tuktok ng tagumpay sa mundo ng “fashion” at “entertainment”. Sino ba ang nagpapatawa sa atin araw-araw? Iba talaga ang “sense of humor” nila. Lahat ng kaya nila ay hindi kaya ng mga babae. Lahat ng kaya nila ay hindi kaya ng mga lalaki. Sa madaling salita kaya ng mga bakla ang kaya ng mga lalaki at kaya ng mga babae. Ayon nga sa kanta, “Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha ,dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla” 

No comments:

Post a Comment