Saturday, October 27, 2012

A Challenge-- (#14)


Pagsubok! Isang salitang pwedi magpatibay o magpawasak sa isang pagkatao. Isang salitang nagpapabago sa buhay ng isang nilalang. “A good life is a challenging life”. Hindi mo malalaman ang tunay na halaga ng buhay kung wala kang mararansang pagsubok o pag hindi ka natutu mula sa mga pagsubok sa iyong buhay. Mga pagsubok lamang yan! Kaya natin yan lampasan kung may pananalig tayo sa itaas. Walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi natin kaya lampasan. Ibinigay sa atin ng Diyos  ang pagsubok dahil may tiwala siya na kakayanin natin ito at alam niya na dito tayo matututu.


Let our hearts be inspire with this song..


Pagsubok
By:  Orient Pearl

Isip mo'y litong lito
Sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba bumabalakid
Ay ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan....

[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko....at 'yong labanan

Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....

[Chorus]

[Instrumental]

Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong isuko ang laban

Friday, October 26, 2012

In him-- (#13)


Natutulog ba ang Diyos
By: Gary Valenciano

Bakit kaya, bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang and buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang Diyos, natutulog ba?

At ikay ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan, nasaan and iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa, natutulog pa ang Diyos
Natutulog ba?

Chorus:
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw and huhubog sa iyong bukas
Huwag sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayroong halaga sa Kanya.

Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Gawin mo na, kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa 'yo
Hinihintay ka lang, kaibigan 
 An inspirational song by Gary Valenciano na nagpapahayag na ang Diyos ay hindi tayo iniwan at pinabayaan kailanman. May mga panahon na hindi natin siya nararamdaman at masasabi mo na iniwan ka na nya pero hindi. Bawat pagsubok na dumating sa ating buhay ay siyang nagpapatibay sa ating pagkatao. Dapat titibayan natin ang ating loob at laging handa na haharapin ang mga pagsubok.  Bawat buhay ay may halaga sa Diyos. Ika nga, “ Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” Sikapin natin na gawin lahat ng mga pangarap natin habang ginagabayan tayo ng Diyos. Nasa iyong kamay ang umiikot ang mundo. Ikaw ay gumagawa sa yung hinaharap. Gawin mo na ang nararapat, magsikap at magtiwala sa maykapal. 

Wednesday, October 24, 2012

The real me-- (#12)


Sino bang proud na Pinoy sila? Sigurado ako na sa panahaon ngayon konti nalang ang nagmamahal sa sariling atin. Hindi natin namamalayan na mas napapatangkilik na tayo sa ibang bansa. Eh, paano ba naman, sa mga nakikita at napapanood natin sa telebisyon, sa mga naririning natin sa radyo ay puro mga kantang pangdayuhan.

Hindi naman masama ang tumangkilik sa iba, basta wag nating kalimutan na mas unahin ang siriling atin. Iba pa rin ang gawang Pinoy, hindi ba? Astig nga sabi nila.
Maraming Pinoy ang mas maipagmamalaki natin dahil marami silang talentong naipapamalas hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Ano man ang dumaan na problema ay alam nating kayang kaya lampasan ng mga Pinoy bawat pagsubok na dumaan sa kanilang buhay. Walang anting-anting ang mga Pinoy, Diyos lang yata ang panlaban nila.

Check this song..

Noypi
By: Bamboo

Tingnan mo ang iyong palad
Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay
Ang dami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga astig
Saan ka man naroroon
Huwag kang matatakot
Sa Baril o Patalim
Sa bakas na madilim...

Chorus:
Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko...
[ Lyrics from: http://www.lyricsfreak.com/b/bamboo/noypi_20289074.html ]
Sinisid ko ang dagat
Nilibot ko ang mundo
Nasa puso ko pala hinahanap kong gulo
Ilang beses na akong muntikang mamatay
Oh, alam ko ang sikreto kaya't andito pa't buhay.

Oh sabi nila may anting anting ako pero di nila
Alam na Diyos ang dahilan ko...

Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo...
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko...

Ohh... ooohh...

Dinig mo ba ang bulong ng lahi mo?
Isigaw mo kapatid, ang himig natin...

Hoy, pinoy ako!
Buo aking Loob, may agimat ang dugo ko!
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko

Ohh... ooohh...

Monday, October 22, 2012

who am i?-- (#11)



Sirena
By: Gloc-9

[Ebe Dancel] 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
 

[Gloc 9] 
Simula pa no'ng bata pa ako,
 
Halata mona kapag naglalaro
 
Kaya parang lahat ay nalilito,
 
Magaling sa chinese garter at piko
 
Mga labi ko'y pulang pula,
 
Sa bubble gum na sinapa
 
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
 
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
 
Habang kumekembot ang bewang,
 
Mga hikaw na gumegewang
 
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
 
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
 
Na galing sa aking ama
 
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
 
Laging nalalatayan,
 
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
 
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
 
Ang puso kong mapagmahal
 
Parang pilikmatang kulot.
 

[Ebe Dancel] 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
 
[ Lyrics from: http://www.lyricsfreak.com/g/gloc+9/sirena_21037173.html ] 
[Gloc 9]
 
Hanggang sa naging binata na ako
 
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
 
Pero baki't parang lahat ay nalilito pa rin
 
Ano bang mga problema nyo
 
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
 
Sa dapat makita ng inyong mata
 
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
 
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
 
Kahit binaliw nasa tapang, kasi ganun na lamang
 
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
 
Tama nanaman itay, di na po ako pasaway
 
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
 
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
 
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
 
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
 
At inaabot ang ganda ko pangilalim ng dagat
 

[Ebe Dancel]
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
 

[Gloc 9]
 
Lumipas ang mga taon nangag sipag-asawa
 
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
 
Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
 
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
 
Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
 
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
 
Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan
 
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
 
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
 
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
 
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, Lumapit
 
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
 
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
 
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
 
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
 
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
 

[Ebe Dancel]
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
 
Drum na may tubig ang sinisisid
 
Sa patagalan ng paghinga,
 
Sa'kin kayo ay bibilib
 
Ako'y isang sirena
 
Kahit anong gawin nila
 
Bandera ko'y di tutumba...


Diskriminasyon, ang numero unong problema na nararanasan ngayon nang sinasabi nating nasa “third sex”. Baklita, bakla, bading, shuki, bayot, sirena, “malas”, yan ang bansag nila sa mga lalaking may mga pusong babae. Sabi nila, masama daw baguhin kung ano ang binigay sa atin ng Diyos. Pero ano nga ba ang mas masama sa mga taong nanghuhusga ng kapwa?
Sabi nila, nagpapakatotoo lamang sila. Walang masama sa pagpapakatotoo. Mas maigi ng ipakita sa lahat kung sino ka talaga. Pag-pinaktakpan mo ang yung tunay na pagkatao mo ay para ka na ring nagsinungaling hindi lang sa ibang tao ,pati na rin sa yung sarili.

Bakit nga ba natin hinuhusgahan ang mga bakla? Sabi ng iba, sila raw ay malas. Sila raw ay walang kwenta at nagdadala ng sakit. Pero ang tanong ko lang, sino kaya ang mas nagdadala ng sakit? Ang bakla? O ang taong nanghuhusga?

Marami nang napatunayan ang mga sinasabi nating nasa “third sex”. Sila yata ang mas may kaya ngayon. Halos sila ang umaasenso sa industriya. Sila ang nasa tuktok ng tagumpay sa mundo ng “fashion” at “entertainment”. Sino ba ang nagpapatawa sa atin araw-araw? Iba talaga ang “sense of humor” nila. Lahat ng kaya nila ay hindi kaya ng mga babae. Lahat ng kaya nila ay hindi kaya ng mga lalaki. Sa madaling salita kaya ng mga bakla ang kaya ng mga lalaki at kaya ng mga babae. Ayon nga sa kanta, “Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha ,dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla” 

Friday, October 19, 2012

proud of being one- (#10)


Pinoy Ako
By: Orange And Lemons

Lahat tayo mayroon pagkakaiba sa tingin pa lang ay makikita na
Iba’t ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

Chorus:
Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

‘Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh… oohh…
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

[chorus]

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo ay mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin


[chorus]

The Reality TV show ‘’Pinoy Big Brother” theme song “Pinoy Ako” ay ang kanta na kinanta ng buong sambayanan simula ng magbukas ang pinakasikat na bahay, ang “Pinoy Big Brother House”. Mula bata at matanda ay halos alam ang kanta dahil sa tono na hook na hook ng masa. Mula sa lyrics na maka-Pilipino at sa tono nito, masasabi kong isa itong napakagandang kanta.

This song shows to us that we are proud to be a Filipino. Personally, I am proud of being one, kaya nga ang blog ko ay OPM. I used to make compositions using Filipino language, kaya nga tagalong ang gamit ko sa blog.

Lahat tayo ay magkakaiba. Unique, ika nga.  We have different talent, skills and attitudes that make us unique from each other. Wag nating ikahiya kong sino talaga tayo, “Magpakatotoo”,”Be who you are”. Ipakita kong ano ang kaya mo, let’s be proud of ourselves, let’s be proud of the gift we have from God.

Tuesday, October 16, 2012

Cheer up-- (#9)


Hawak Kamay

by: Yeng Constantino


Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko na kaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O, di kaya ako'y tawagin
Malaman mong kahit kailan

Chorus
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan

Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema ay tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malaman mong kahit kailan

(Chorus)

Bridge:
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako ohhh, Narito ako…

(Chorus)

Sa mundo ng kawalan 2x
Hawak-kamay, Hawak-kamay, Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan
                                            

                        It’s good to hear that you have someone to lean on in your journey. When you have problems, always remember that you are never alone. Tumingin ka lang sa langit. Nandoon ang ating panginoong Diyos na hindi tayo iniwan kalianman. God is always with us in good times and bad times. Mayroon ka ring mga kaibigan na hindi ka iiwan at laging nakahawak  sa yong kamay na gagabay at handa kang tulungan.

Monday, October 15, 2012

nothing left-- (#8)


One of my favorite filipino rapper is Gloc 9. Ang mga kanta nya ang tumatalakay sa realidad na nararanasan natin sa ating bansa. Isang haligi sa industriya ng musika na maituturing, ika nga.
Ang kantang walang natira ay isang kanta para sa mga Pilipino na mas pinipiling manilbihan sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. Saan ba patungo ang mga bagong graduate? Mag-aabroad para doon magtrabaho. Dahil nga mas malaki ang sahod sa ibang bansa. Paano naman ang ating bansa. Hindi ba’t kailangan din nating magtatrabaho para naman mas aasenso at mas makakasabay ang Pilipinas sa ibang bansa. Pero paano natin ito magagawa kung halos lahat ay nagsisilabasan na para manilbihan doon. Sana magising na tayo sa katotohanan.

Check this song..

Walang Natira
By: Gloc-9
[Sheng Belmonte]
Napakaraming guro dito sa amin ngunit
 
Bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
 

[Gloc-9]
Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[Sheng Belmonte]
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/g/gloc_9/walang_natira.html ]
[Gloc-9]
 
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Nasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta.
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino
Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na itoy magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[Sheng Belmonte
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
 

[Gloc-9]
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
Lalayo upang magalaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko
[Sheng Belmonte
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
 
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
 
(Gusto kong yumaman4x)
Napakaraming tama dito sa atin...
 
Ngunit bakit tila walang natira...

Friday, October 12, 2012

Idol-- (#7)


Sino nga ba ang inyong iniidolo? Sa kantahan, sa sayawan o sa aktingan? Kilala nyo ba talaga ang inyong mga idol? Minsan kung ano ang mga ginagawa nila ay siya namang ating ginagaya. Ayon sa kanta, wag kang maniniwala sa paligid mo. Hindi lahat ay totoo. Sa mundong ito, hindi lahat ng nakikita natin ay ang katotohanan. Marami ang mapagpaggap para lamang sumikat. Piliin nating mabuti ang ating mga hinahangaan.

Check this song..

Elmer
By Gloc- 9
Ito ay bayan ni juan
Hindi bayan ni run
Dumating pa sa puntong
Ang braso ay may bayanihan
Bago magkalimutan
Wag magsapilitan
Walang papalitan
Hindi 'to katatawanan

( chorus )

Wag kang maniniwala sa paligid mo
(Hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo
(Isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo
(Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Kamusta ka na idol
Ako nga pala si Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

Mula nang marinig ko
Ang kanta mong simpleng tao
Ako ay nabaliw nung
Nilabas mo pa yung lando
May bago ka bang album
Penge naman ng kopya
Meron ako nung luma
Ang kaso nga lang pirata
Sumusulat din ako
Marunong din akong mag rap
Gusto mo ipadinig ko sa'yo
Wag kang kukurap
Di lang ikaw ang idol ko
Pati rin yung stickfiggas
Bihira lang kasi
Sa pilipinas ang matikas
Mabilis kang magsalita
Pero gangsta ka ba
Meron ka na bang baril
Nakulong ka na ba
Ako rin hindi pa
Pero bukas baka sakali
May gang doon sa amin
Susubukan kong sumali

Basta tandaan mo lang
Ang pangalan ko ay Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

( chorus )
Wag kang maniniwala sa paligid mo
(Hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo
(Isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo
(Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Gloc9 anong balita
Narito ka rin pala
Buti napadaan ka
Magpapatatoo ka ba
Nakita mo ba 'to
Ang mga bago kong tatoo
Mas maangas daw ang rapper
Pag marami kang tatoo
At makabayan ang dating
Isa pa cool ka
Nagpalagay ako ng watawat
May flag pole pa
Kasi sasali ako sa pa audition
Ng isang rapper
At maging isang artist
Sa kanyang bagong record label
Ilan ba ang natanggap
Siguro mga singkwenta
Binigyan kami ng ticket
Para daw aming ibenta
Medyo malabo ang sabi n'ya
May album pa
Eh bakit hindi n'ya malabas
Ang album n'ya
Ah baka naman busy lang
Kaya pare easy lang
Kasi mga mayabang lang
Ang mahilig magbilang

Pero sana maalala mo
Ang pangalan ko'y Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

( chorus )

Wag kang maniniwala sa paligid mo
(Hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo
(Isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo
(Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Ito ay bayan ni juan
Hindi bayan ni run
Dumating pa sa puntong
Ang braso ay may bayanihan
Bago magkalimutan
Wag magsapilitan
Walang papalitan
Hindi 'to katatawanan


Tuesday, October 9, 2012

Again?--- (#6)


    It hurts to love a person who seems not to care. Sa isang iglap mo lang siya nakilala at sa isang iglap rin nya binago ang buhay mo. Marami na kayong napagdaanan sa bawat araw na kayo ay magkasama. Mabibilis ang mga pangyayari at hindi mo namamalayan na iniwan ka na pala ng walang paalam. Hoping for another chance to be with the person you love is what this song all about.


Check this out…


Muli
By:  Parokya Ni Edgar


Kay bilis ng pangyayari hindi
Ko namalayan
Na ako pala'y iiwan mo ng
Ganon na lang
Kahit na anong gawin hindi
Kayang tanggapin
Ng puso at isipan na ika'y
Lilisan

(Chorus)
Maari bang dinggin ang natatangi
Kong hiling
Sana ay makapiling kang
Muli kang masilayan at muli
Kang mahagkan
Sana'y di na iwan pang muli



Hindi ko sinasadya na ikaw ay
Masaktan
Kaya sana naman ay iyong
Maintindihan
Na ako ay nagsisisi at
Nangangako sa yo
Na hindi ka na luluha pang
Muli sa piling ko

(Chorus)
Maari bang dinggin ang natatangi
Kong hiling
Sana ay makapiling kang
Muli kang masilayan at muli
Kang mahagkan
Sana'y di na iwan pang muli

(Bridge)
Di na ba mapagbibigyan
Bakit di maunawaan

(Repeat Chorus)

Maari bang dinggin ang natatangi
Kong hiling
Sana ay patawarin mo
Ako ay nagsisisi at
Nangangako sayo
Di ka na luluha pang muli
Sa piling ko...



Monday, October 8, 2012

Serenade (#5)


HARANA
by Parokya ni Edgar

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka 
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Meron pang dalang mga rosas suot nama'y 
Maong na kupas 
At nariyan pa ang barkada 
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Puno ang langit ng bituin 
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito 
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko 
Sa isang munting harana para sayo
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/p/parokya_ni_edgar/harana.html ]
Hindi ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man 
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Puno ang langit ng bituin 
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito 
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko 
Sa isang munting harana para sayo

Uso pa ba ang harana?
Marahil ngayon ay alam mo na
Basta't para sayo aking hiram kahit na magmukhang hibang
Tugtugin ang lahat liyag pagkat ako ang iyong liham

Puno ang langit ng bituin 
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito 
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko 
Sa isang munting harana para sayo.

_____


 Uso pa ba ang Harana? Hmmm. The word “Harana”, literally translated, means “to serenade”. It is a Filipino folk tradition in which aspiring suitors attempt to catch the attention of a girl they like by singing to her underneath her window.


Harana ang ginagamit nung unang panahon sa panliligaw ng kanilang mga nagugustuhan. Ang mga lalaki ay pumupunta sa bahay ng kanilang minamahal na naka barong kasama ang kanilang mga kaibigan upang mahandogan ng kanta ang babae minamahal. Nakadungaw naman ang mga babae sa kanilang bintana para pakinggan ang alay sa kanilang kanta ng lalaki.  Diba ang sarap balikan ang tradisyon noon? Doon mo talaga mapapatunayan ang inyong pagmamahalan at kung gaano ka kaseryoso sa iyong nililigawan. Ika nga, 

“Ang babaeng mahirap ligawan ay siyang mahirap pakawalan”