Here's the lyrics of the song "UPUAN" by Gloc-9 ft. Jeazel Grutas.

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Ganito kasi yan eh...
Verse 1:
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Chorus:
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Verse 2:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
______________________
Nalalapit
na naman ang eleksyon. Makikita na naman natin ang iba't-ibang gawaing
pampulitiko.Kamayan dito, kamayan dyan. Papicture dito, papicture dyan. Ngiti
dito, ngiti dyan. Sa kantang ito, ipinahihiwatig na "every vote
counts". Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito para sa isang malaking
pagbabago na maaari nating maranasang mga Pilipino. Hindi ba't yan naman ang
gusto natin?
Let's
take a look kung ano talaga ang tunay na nangyayari sa likod ng mapulitikung
daigdig.Isang upuan ang kanilang pinag-aagawan, para ba talaga sa paglilingkod
sa bayan? O para sa pansariling kapakanan? Upuan, ikinukompara natin ito sa
position na pinag-aagawan ng mga pulitiko. Bakit nga ba nila ito pinag-aagawan?
Kung gusto nilang maglingkod sa bayan, bakit hindi nalang sila tumulong ng wala
sa position.
Saan
ba napupunta ang pera ng bayan? Sinasabi sa kanta na mas malayo ang buhay ng
mga pangkaraniwang Pilipino kaysa sa mga naka-upo na sa upuan. Marahil hindi
nila alintana ang pamumuhay ng ibang Pilipino kasi hindi man lang nila
sinubukang tumayo sa upuan at ng makita nila ang tunay na kalagayan ng
Pilipinong naghihirap. Ika nga "bato-bato sa langit ang tamaan ay wag
magalit".
Malaking pagbabago ang
kailangan natin ngayon. Sana, ang susunod na eleksyon ang maging tulay para sa
malaking pagbabago na ating hinahangad.
No comments:
Post a Comment