Friday, October 26, 2012

In him-- (#13)


Natutulog ba ang Diyos
By: Gary Valenciano

Bakit kaya, bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang and buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang Diyos, natutulog ba?

At ikay ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan, nasaan and iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa, natutulog pa ang Diyos
Natutulog ba?

Chorus:
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw and huhubog sa iyong bukas
Huwag sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayroong halaga sa Kanya.

Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Gawin mo na, kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa 'yo
Hinihintay ka lang, kaibigan 
 An inspirational song by Gary Valenciano na nagpapahayag na ang Diyos ay hindi tayo iniwan at pinabayaan kailanman. May mga panahon na hindi natin siya nararamdaman at masasabi mo na iniwan ka na nya pero hindi. Bawat pagsubok na dumating sa ating buhay ay siyang nagpapatibay sa ating pagkatao. Dapat titibayan natin ang ating loob at laging handa na haharapin ang mga pagsubok.  Bawat buhay ay may halaga sa Diyos. Ika nga, “ Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” Sikapin natin na gawin lahat ng mga pangarap natin habang ginagabayan tayo ng Diyos. Nasa iyong kamay ang umiikot ang mundo. Ikaw ay gumagawa sa yung hinaharap. Gawin mo na ang nararapat, magsikap at magtiwala sa maykapal. 

No comments:

Post a Comment